

ABOUT ME

Mekaniko noon Negosyante ngayon
Hi ! Kamusta kabayan , ako nga pala si Kris from Rizal Province , pangalawa ako sa tatlong mag kakapatid , katulad ng tipikal na pilipino, hindi pinalad ang pamilya ko sa karangyaan , walang permanenteng trabaho ang magulang ko nung bata pa kami kaya dinanas namin ang mahirap nang buhay, kung anu anung trabaho ang pinasok ko kumita lamang para sa pang kain sa isang araw. Panadero , kundoktor , mag basura at huli sa lahat ang mag mekaniko .Tumagal ako sa pag memekaniko ng ilang taon. Ito na ang itinuring ko noon na trabaho , pero sa ilang taon na pag tatrabaho ko , hindi parin ako makaipon , hindi ko alam kung bakit , halos 18 oras na ako kung mag trabaho sa isang araw pero wala ako maipon . Hanggan dumating sa akin ang isang opotunidad na naibahagi ng isang kaibigan . At nung nakita ko ito lubos akong natuwa dahil nakita ko na may pag asa pa pala na maabot ko ang mga pangarap ko. Nag karoon ako muli ng pag asa na makuha ito . At ginawa ko ito , binuhos ang oras , pinag tuunan ng pansin at inaral ng mabuti dahil dito ko nakita ang pag Asa na makukuha ko pa ang mga pangarap ko . At pag lipas ng 1 taon ay nakita ko na ang pag babago sa buhay ko , hindi pa ako kumikita ng malaki pero nagulat ako na meron na akong naipon sa bangko , na sa limang taon na pag tatrabaho ko ay hindi ko nahawakan . Kaya pinag patuloy ko ito , at ngayon ay nakapag tayo na ako ng iba pang negosyo bukod sa ginagawa ko.
Nakakatuwang isipin na mula sa pagiging MAGBABASURA , KONDUKTOR , PANADERO at MEKANIKO , ngaun ay isa nang NEGOSYANTE . Sobrang laki ng naitulong sa akin ng negosyo na ito hindi lang Financial kundi pati personal , kaya sa mga makakabasa po nito , napakapalad mo dahil nakita mo ang oportunidad na nakapag pabago ng buhay ng maraming tao . At kung kinaya KO sigurado ako na mas KAKAYANI MO !
Tara kabayan umpisahan na natin ito .
Kris Ivan Bautista
Online Entrepreneur