3 STEPS TO SAVE AND GROW YOUR MONEY
- Kris Ivan Bautista
- Apr 25, 2019
- 3 min read
Updated: May 8, 2019
Kamusta kabayan ?! Nagtataka ka ba bakit hindi ka makaipon kahit na sobrang laki ng kinikita mo o kahit na sobrang sipag mo sa trabaho na halos abutin ka na ng madaling araw sa kakakayod mo sa trabaho ? Wag ka mag alala parehas tayo ng katanungan noon nung hindi ko po nalalaman kung paano ang tamang pag iipon at pag papalago ng perang pinagsumikapan ko . Ngaun , ibibigay ko sayo ang 3 hakbang paano ako nakapag ipon at na palago ang pera na pinagsumikapan ko READY KA NA BA?
STEP #1
SPEND LESS THAN YOU EARN AND SAVE 20% OF YOUR TOTAL INCOME
Ito ang unang hakbang para maging matagumpay ka sa pag iipon mo at nangangailangan ng matinding disiplina sa hakbang na ito . Kinakailangan na maitabi o mabayaran mo muna ang sarili mo ng 20% ng total income/earnings mo. Hindi ito magiging madali sa umpisa lalo na kung nasanay ka na nauubos lahat ng pera mo sa iyo, pero ang magandang parte dito ay kaya itong gawin . Sa tuwing kukuhanin mo ang iyong sahod lalo na sa mga empleyado , kailangan ituring mo na wala na ang 20% ng income na ito para maiwasan isipin at gastusin . Kung mayroon kang bank account siguraduhin na PASSBOOK ang hawak mo at hindi ATM , dahil madali ang temtasyon na kumuha agad sa ATM, samantalang sa PASSBOOK ay may mahabang proseso pa. Kung wala naman at hindi talaga kaya pigilan ang pag gastos , ipag katiwala ito sa taong LUBOS na kilala at mapagkakatiwalaan para matulungan ka sa iyong ginagawang pag iipon. Ang sikreto para mag tagumpay sa hakbang na ito ay DISIPLINA sa sarili at kung hindi talaga kaya ay mag patulong sa iba.
STEP #2 INVEST THE 20% OF YOUR INCOME
Ang ikalawang hakbang ay iinvest ang 20% na ito sa isang oportunidad na may posibilidad na mag bigay ng panibagong kita , dahil dito mag kakaroon ka ng pangalawang pagkakakitaan na mag daragdag sa pera mo at pinaplano mong savings . Ngunit bago ka maginvest sa isang oportunidad , siguraduhing ito ay LEGAL. Dahil ang ilalagay mo na pera dito ay ang pera na pinagsumikapan mo at pinagtrabahuhan mo ,kaya dapat maniguro kung paano ka mag uumpisa , paano maibablik ang iyong inilabas na pera at paano ka kikita. Aralin mabuti ngunit wag hahayaan na hindi ito maiinvest , WAG NA WAG MO ITO ILALAGAY SA BANGKO. Ang normal na itinuro sa atin ay mag ipon sa bangko ,pero sasabihin ko sayo ang totoo sa tuwing nilalagay mo ang pera mo sa bangko pinabababa mo lang ang halaga nito dahil sa bawat oras bumababa ang halaga ng pera dahil sa tinatawan na INFLATION . Kaya uulitin ko WAG NA WAG KA MAGLALAGAY NG PERA SA BANGKO SA LOOB NG MAHABANG PANAHON.
STEP #3 REINVEST THE RETURN
Ito ang huling hakbang para sa matagumpay na pag iipon .Kailanga mo iinvest ulit ang kikitain mo sa invest mo . Kung matatanong mo kung bakit ? Ito ay para mas maparami pa ang source of income mo , na kung saan makakatulong sayo mas mapagaan ang finacial struggle na meron ka . Ang pinakamahalaga sa FINANCIAL MANAGEMENT at FINANCIAL INDEPENDENCE ay mag karoon ka ng MUTIPLE SOURCE OF INCOME na kung saan kahit itigil mo na ang trabaho mo ay may kapasidad ka kumita , at kung maaari ay makapag focus ka na sa opportunity na mas nagbibigay sayo ng malaking income at hindi ka worried na mawalan ng trabaho dahil meron ka nang pinagkakakitaan. Ito ay higit pa sa pag iipon kundi pagiging handa sa magandang kinabukasan at sa panahon na hindi mo na kaya mag trabaho ay kumikita ka parin . Sa umpisa ay mahihirapan ka dahil hindi ka sanay sa mga gagawin mo pero kapag nasanay ka na, doon mo masasabi na madali lang pala .
May isang opportunity na nakatulong sa akin na mabago ang buhay ko . Kung ano at paano
Click Here https://m.me/PauwiinSiJuanProject?ref=Welcome%20Message



Comments