top of page

4 Simple Steps to Step out on Financial Struggle

  • Writer: Kris Ivan Bautista
    Kris Ivan Bautista
  • May 15, 2019
  • 5 min read

Updated: May 16, 2019



Gusto mo ba na hindi na problemahin ang pera ?


- Ikaw ba ang taong lagi may problema sa pera ?

- Kulang ang kinikita ?

- Walang ipon ?

- Gipit sa pang araw araw ?

- At sawa na sasitwasyon na lagi nalang walang pera paglipas ng 5 araw pagkatapos ng sahod ?


Kung ganon para sayo nga ito !


Karamihan ng pilipino ay sinasabi na mahirap ang pilipinas , walang pera sa bansa kaya napupunta sa ibang bansa para magtrabaho, bagsak ang ekonomiya ng bansa ,kurakot ang mga nasa gobyerno kaya mahirap ang buhay at iba't iba pa . Pero hindi ka ba nag tataka bakit ang mga ibang lahi o taga ibang bansa ay patuloy na nag papatayo ng negosyo sa bansa natin ?

Kung hindi maganda ang ekonomiya ng bansa bakit ang matatalinong negosyante ay gustong gusto mag negosyo sa bansa natin? Patunay lamang ito na maganda ang ekonomiya ng bansa at patuloy na pag asenso nito , baka hindi lang natin napapansin .


May tanung pa ako sayo .

Meron ka bang kilala na kumikita ng malaking halaga pero walang naiipon ? meron ka rin bang kilala na maliit lang ang sahod o ang kita pero nakaipon ng malaki ? Ako ? marami akong kilala na ganyan .

Ano ang point ? Hindi lamang sa laki ng kita nakabase para ikaw ay makapag ipon . Don't Get Me Wrong . Maganda kumita ng malaki at mas mabilis ka makakaipon pag malaki ang kita mo pero kung hindi ka marunong paano i MANAGE ang malaking halaga na ito , WALA KA PARIN MAIIPON !

Bakit ? Dahil hindi lang sa laki ng kita nakabase ito !


Ngaun pag uusapan natin paano ka makakaipon at magkakaroon ng FINANCIAL INDEPENDENCE !


Ano nga ba ang Financial Independence !

Ito ang kapasidad ng isang tao na kumita ng sapat na halaga para mabuhay siya ng pang araw araw at masustentohan ang pangangailangan niya nang hindi na siya nagtatrabaho .

TAMA po ! Kahit hindi ka na nag tatrabaho . Hindi po ito pagiging isang tamad kung hindi pagiging handa sa panahon na hindi mo na kaya magtrabaho o wala ka nang kapasidad para magtrabaho para sayo at sa pamilya mo. Ang galing diba, pwede ka pala kumita kahit hindi ka na ag tatrabaho . OPO ! pwede po . At ito po ang ituturo ko po sayo ngaun . Ready ka na ba ? Umpisahan na natin !



4 Steps To Financial Independence




STEP 1 EARNING


Earn More Save More


E Kris ! Sabi mo kanina kahit maliit lang ang kita ko pwede ako makaipon ?

Opo Tama po un . Pero kung gusto mo makaipon ng mas mabilis?, taasan mo ang kapasidad mo kumita para mas malaki ang maipon mo , kung hindi naman kaya , ang mahalaga ay meron ka ngaung pinag kakakitaan na pinang gagalingan ng panggastos mo at ng iipunin mo , dahil mahirap mag ipon kung wala ka man lang kahit isa na pinag mumulan ng pera na iipunin mo . Malinaw po ba ? kailangan mag hanap ka po ng pag kakakitaan mo at kung may pinag kakakitaan ka naman ngaun , kailangan makaisip ka ng paraan para mas mapalaki ito .


STEP 2 SPENDING


Spend Less Than What You Earn


Ang ikawala ay dapat maging disiplinado ka sa pag gastos ng pera mo . Huwag na huwag ka gagastos nang higit sa kinikita mo , ang equation ay


INCOME - SAVINGS = EXPENSE


Simple lang diba pero marami ang hindi nakakaintindi at hindi ginagawa yan . Simple lang po ang pagiging Financial Independent pero konti lang po ang nakkaintindi at gumagawa kaya konti lang din po ang successful at dapat isa ka sa kakaunti na un .

Dapat malaman mo ang gastos mo sa isang buong buwan at alamin kung mas mababa ba ito sa kinikita mo . Kung hindi ,alamin ano ang mahahalaga at hindi , at tanggalin ang mga hindi naman kailangan . Ilaan ang sapat at eksaktong halaga na ito kada buwan para sa pang gastos mo. Dito ka matututo na maging disiplinado sa pag gasto dahil kapag inubos mo lahat ng budget mo sa isang buwan , gutom ang aabutin mo ( hahaha)


STEP 3 KEEPING


Keep A Certain Amount And Forget


Dahil nagagawa mo na ang simple equation natin na


INCOME - SAVINGS = EXPENSES


At meron nang natitira sa sahod mo kada buwan . Ito naman ay dapat mag disisyon ka kung magkano ang halaga na itatabi mo kada buwan . Dahil alam mo na ang gastos mo kada buwan , kailangan mo namang malaman ang dapat mong maitabi o maipon kada buwan. Hindi mahalaga kung malaki o maliit ang itatabi mo , ang mahalaga ay may naitatabi ka , kung gusto mo mas mabilis makaipon ng malaking halaga mas lakihan mo. Sa parte na ito CONSISTENCY ang mahalaga, hindi lamang laki o liit ng halaga , kung magagawa mo mag ipon ng PHP 1,000 every month, pag tapos ng taon ay PHP 12,000 . Maliit sa umpisa pero tandaan mo " Lahat ng malaki sa maliit nag uumpisa ".


At kapag naitabi mo na ito , kailangan ituring ito na WALA NA ! Dahil sa tuwing iisipin mo ito , darating ang temtasyon na galawin at gastusin ito . Kung may tao kang mapag kakatiwalaan maaarin mo rin ito ipahawak sa kanya . Siguraduhin lamang na mapagkakatiwalaan mo ito . Pwede rin sa bangko pero siguraduhin na nakaPASSBOOK ito at hindi ATM para maiwasan ang mabilisan na pag gastos ng naipon mo na.


At huli sa lahat


STEP 4 INVESTING


Invest More , Earn More And You Will Save More


Tama ka po ! INVEST nga .

E kris wala akong alam sa investing , Paano un ? Wag ka mag alala may episode ako na ginawa about investing na kung saan tuturuan kita ng tamang pag invest or WISE INVESTMENT .

Bakit mahalaga mag invest ?

Ang investing ang kukumleto sa proseso para magkaroon ka ng tinatawag nating FINANCIAL INDEPENDENCE . Dahil dito magkakaroon ka ng tinatawag nating PASSIVE INCOME na kung saan kahit wala ka nang ginagawa na trabaho maaari ka kumita . Mawawalan ng saysay ang pag iipon na gagawin mo kung hindi mo ito iinvest , BAKIT ?

Sa bawat oras ay bumababa ang halaga ng pera na hawak mo. OPO , BUMABABA yan. napansin mo ba ang halaga ng BIGAS 10 yrs. ago at ang BIGAS ngayon ?

ang katotohanan ay hindi tumaas ang halaga ng bigas kung hindi bumaba ang halaga ng pera mo . Ganun din po ang mangyayari sa darating na 10 YRS. kaya kung itatabi mo lang ang pera na naipon mo , bababa lamang ang halaga nito .


" Anu mang bagay ang hindi nagagamit sa dapat nito pag gamitan ay nawawalan ng halaga "


Kapag ang perang inipon mo ay hindi mo nagamit para magbigay sayo ng panibagong income , nawawala ang halaga nito .

Kaya INVEST and INVEST WISELY

May Topic ako about sa Wise Investment , pwede mo po basahin ito.


" Darating ang panahon na hindi mo na kaya mag trabaho o wala ka nang kapasidad mag trabaho , sa mga panahon na iyon ano ang pwede mo gawin ? Ito ang kahalagahan ng pagiging handa at pag susumikap mo na mag pag tipid , mag ipon at mag invest sa panahon kasaganahan . "


Kung gusto mo matutunan paano ako nag invest at kumita sa investment na ginawa ko pwede mo ko i message sa link na ito

https://m.me/PauwiinSiJuanProject?ref=Welcome%20Message

ate pwede kita turuan PERSONALLY :)


SEE YOU !


I hope marami kang natutunan at excited na ako makita ang resulta once maiapply mo ito :)

Maraming salamat :)

 
 
 

Comments


bottom of page