Paano makakatulong ang investment sa akin ?
- Kris Ivan Bautista
- May 22, 2019
- 4 min read

Maniniwala ka ba kung sasabihin ko na lahat tayo ay marunong mag invest ?
Oo ! Marunong ka mag invest . Isang halimbawa nito ay ang pag gastos ng mga kalalakihan sa panliligaw. Ito ay isang paraan ng investment para makuha ang matamis na " OO " ng kanilang sinisinta. Sa mga kababaihan naman. Diba bumibili ka ng mga gamit para magpaganda at mabighani ang lalaking iyong napupusuan ? Oppsss (hindi daw lahat) ,karamihan lang po . Bumibili ka ng gamit para presentable ka tingnan . Tama ba ? Investment din po un !
Ano ang point ? Lahat tayo marunong mag invest . Kahit sa usapang pera, minsa nga lang ay hindi natin naaaral ang isang investment bago natin pinapasok kaya tayo nagkakamali at natatakot nang umulit na kung saan ay normal na magkamali . Kahit po ako ay may mga mali akong invest sa oras man o pera.
Take note : Meron din po tayong wrong investment pag dating sa pag gamIt ng oras. Kapag ang pinaglalaanan natin ng oras ay hindi nakakatulong sa pag asenso natin , ito ay masasabing wrong investment.
E kris bakit ko ba kailangan mag invest kung kumikita naman ako sa trabaho ko?
Tama nga naman ! Bakit ka pa mag iinvest , e kumikita ka naman ?
Pero ito ang tanung ko naman sayo.
Kaya mo bang magtrabaho kahit 70 yrs. Old ka na ? kung 80 kaya ? Kung 90 kaya ?
Kaya pa kaya ng katawan mo ?
101% akong sigurado na hindi na, dahil mahina na ang pangangatawan mo . Ito ang mabigat na tanong , kapag ganyan na ang edad mo , anong gagawin mo para kumita ka para sa pang araw araw na pangangailangan mo katulad ng pagkain, maintenance sa kalusugan mo at kung anu ano pa.
E kris may mga anak naman ako na maaasahan !
Tama ka ulit diyan ! Pwede ka naman nila tulungan . E paano kung hindi din maganda buhay ng mga anak mo ?
At hindi din sapat ang kinikita nila para sa panggastos sa pang araw araw. Paano ka nila matutulungan? Paano kung hindi mabuting asawa ang napangasawa nila at pinag damutan ka ? ooppss ! Nangyayari po ito sa tunay na buhay . Sino nang aasahan mo ?
May sasabihin ako sayong sekreto. Wag na wag mo ito kalilimutan , isang tao lang ang makakatulong sayo at maaasahan mo pag dumating ang panahon na hindi mo na kaya mag trabaho dahil sa katandaan . Ito ay walang iba kung hindi yung "BATANG IKAW". Ang makakatulonng sayo sa kinabukasan ay yung IKAW sa panahon ngayon. As in NGAYON !
Sa papaanong paraan ? Kailangan mo matutunan ang tamang pag iinvest . Hindi para sa ngayon kundi para sa kinabukasan. Kinabukasan mo at ng pamilya mo dahil kadalasan kung kelan matanda kana saka mo pa lang mauunawaan at maiintindihan ang kahalagahan ng investment ,hindi mo na magagawa dahil huli na .
E kris saan naman ako pwede mag invest ?
Meron kang 3 pwede paglagyan ng pera mo.
3 kinds of investment
1. Business -Traditional , Franchising and Network Marketing
2. Paper - Stocks, bonds, mutual funds etc.
3. Realty - Real estate , buy and sell etc.
Bago ka mag invest sa kahit anoman sa 3 na ito, mabuting alamin mo muna ano ba talga ang gusto mo. Halimbawa , kung ang trabaho mo ngaun ay talagang ninanais mo at masaya ka sa trabaho mo, maaari mo gawin ang Paper Investment or Stock , Bonds and Mutual Funds na kung saan habang nagtatrabaho ka ay kumikita ang pera na naiiipon mo, o kung hindi naman ay maaari ka mag negosyo o gawing negosyo ang trabaho mo ngaun . Kesa magtrabaho ka sa isang kumpanya, magtayo ka ng negosyo na tungkol sa larangan o trabaho na ginagawa mo.
Sa Business naman ay kung may mga magagandang ideya ka na sa tingin mo ay may malaking pursyento na kumita ng malaking halaga , pwede mo itong gawin, pwede ka rin pumasok sa Multi Level Marketing or Network Marketing na kung saan ay may produkto at sistema na , na kailangan mo lamang sundin. Marami na rin nag tagumpay sa ganitong negosyo kailangan mo lamang ay magpatuloy , matuto at iapply ang mga natutunan .
Kung ayaw mo naman mag Business , pero may malaki kang pera para mamuhunan pwede kang mag REALTY or Real Estate na kung saan bibili ka ng lupa na pwede mong ibenta ng mas mataas ang presyo ( buy and sell ) pwede rin namang patayuan mo ng apartment or bahay at ibenta ito o paupahan , na kung saan pwede ka kumita ng malaking halaga .
Take Note : Malaki ang halaga na kakailanganin sa Real Estate hindi katulad sa Business at Paper Investment.
At isa sa mahalaga ay dapat aralin mabuti ang mga investment na papasukin . Alamin mabuti paano ka kikita , maibabalik ang puhunan at paano mo mapapalago ang investment mong ito.
Gawin mo ito , mag invest ka ! Makakaexperience ka ng mga pag kakamali sa una, dahil kahit ako nag kamali din ako, pero dahil sa mga pagkakamali na iyon matututo ka at habang tumatagal ka sa investment na ginagawa mo ay gumagaling ka at dun ka makagagawa ng mga tamang disisyon na huhubog sa magadang kinabukasan mo at ng pamilya mo .
Maraming salamat sa pag babasa at i hope marami kayong natutunan.
Kung nag hahanap ka ng opportunity or investment para makapag umpisa, may alam ako na pwede ko ituro mismo sayo. Matutulungan kita dito dahil ako mismo ay ginagawa din ito , at kaya kong gabayan ka sa investment na ito.
Para malaman kung paano?
Click here https://m.me/PauwiinSiJuanProject?ref=Welcome%20Message





Comments